Pagbibitiw ni Aguirre, tila pelikulang may pangit na script – De Lima
“Pelikula na may bad script”.
Ganito isinalarawan ni detained Senator Leila De Lima ang pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibitiw ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II.
Sinabi ni De Lima na sa mga mafia movies madalas ay ipinapapatay ng mafia boss maging ang kaniyang mga pinagkakatiwalaang tauhan kapag nagkasunud-sunod ang kapalpakan.
Aniya ganito ang nangyari kay Aguirre binitiwan na siya ni Pangulong Duterte.
Giit ng senador dito makikita na mistulang pinuno ng sindikato ang ipinapakitang pamumuno ng pangulo kaya’t duda siya sa tunay na dahilan nang pagbibitiw ni Aguirre.
Aniya hindi dapat malihis ang atensyon ng taumbayan sa mga ginagawang pang-aabuso sa kapangyarihan ng mag-amo partikular na sa usapin ng paglabag sa mga karapatang pantao.
Magugunita na isinisisi kay Aguirre ng mga taga oposisyon ang pagkakakulong kay de Lima base sa mga gawa gawang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.