16 na tren ng MRT-3 bumiyahe muli ngayong Biyernes ng gabi

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 06, 2018 - 08:07 PM

Muling nakapagpabiyahe ng labinganim na tren ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3) sa kasagsagan ng rush hour ngayong Biyernes.

Sa abso ng MRT-3 sa kanilang twitter, alas 6:03 ng gabi, 16 na tren nila ang operational dahilan para bumaba sa 5.5 minutes lang ang pagitan ng pagdating ng tren sa mga istasyon.

Hanggang alas 8:00 ng gabi, nananatiling 16 ang mga tren na bumibiyahe sa buong linya ng MRT-3.

Dahil dito, walang naitalang pila ng mga pasahero sa mga istasyon ng tren sa kasagsagan ng rush hour.

Maging sa Magallanes station at Ayala station na kapag oras ng uwian ay punong-puno ng mga pasahero ay walang naitalang pila ang MRT-3.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, mrt-3, Radyo Inquirer, Train, train system, dotr, mrt-3, Radyo Inquirer, Train, train system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.