3 swindler na nambibiktima sa mga kongresista, arestado matapos mahulihan ng droga sa QC
Arestado ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong ‘swindler’ na nanloko sa staff ng isang kongresista.
Sa inilabas na statement ng QCPD, nakilala ang mga suspect ba sina Christopher Morales, Francisco Villanueva, at Mark Luke Lim.
Ayon sa report, nagpunta ang mga suspek sa opisina ni Congressman Kit Belmonte sa Tandang Sora, Quezon City at nagpanggap na hihingi ng tulong pinansyal para sa kanilang gamot.
Nakatanggap ng tig-P3,000 ang bawat suspek noong March 22.
Ngunit bumalik muli sa tanggapan ang mga suspek at humingi muli ng tulong-pinansyal sa tanggapan gamit ang mga peke medical certificate at certificate of indigence gamit ang iba pang pangalan.
Naalala ng staff ang mukha ng mga suspek at dito na ito humingi ng tulong sa barangay.
Nang kapkapan ang mga tatlo, nakuha sa kanilang bulsa ang tig-iisang sachet ng hinihinalang shabu.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, falsification of documents at syndicated estafa ang mga naarestong suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.