Bagong traffic scheme ipatutupad sa Commonwealth at Elliptical Rd. dahil sa epekto sa traffic ng MRT-7 construction
Magsasagawa ng dry run ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Sabado para sa ipatutupad na bagong traffic scheme sa Commonwealth Avenue at Elliptical Road sa Quezon City.
Ang bagong sistema sa traffic ay layong maibsan kahit papaano ang pagsisikip sa daloy ng traffic sa mga lansangan sa QC na apektado ng konstruksyon ng Metro Rail Transit-7 (MRT-7).
Ayon kay MMDA Acting General Manager Jojo Garcia bukas, araw ng Sabado, ang Maharlika Street mula Elliptical Road patungong Masaya Street at ang Masaya Street mula Maginhawa Street patungong Commonwealth Avenue ay gagawin nang one-way traffic.
Ang mga public utility vehicles, kabilang ang mga pampasaherong jeep at UV Express na galing sa Elliptical Road ay pinapayuhang dumaan sa Maharlika Street at kumaliwa sa Masaya Street patungo sa destinasyon.
Ang naturang bagong traffic scheme ay ipatutupad na na sa Lunes.
Maglalagay ang MMDA ng mga plastic barriers na maghihiwalay sa PUVs na tutungo sa magkaibang direksyon at maglalagay din ng fence para matiyak na nasa tamang loading at unloading areas ang mga pedestrian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.