Asawa ng pangunahing suspek sa Maguindanao massacre patay matapos atakihin sa puso

Nasawi ang misis ng pangunahing suspek sa Maguindanao massacre matapos atakihin sa puso.

Datu Unsay Mayor Reshal Santiago Ampatuan, 38 anyos ay nagsasagawa ng kaniyang noontime prayer nang mawalan ng malay.

Si Reshal ay asawa ni dating Datu Unsay mayor Andal “Datu Unsay” Ampatuan Jr.

Si Andal Ampatuan ay nananatiling nakakulong dahil sa kaso kaugnay sa Maguindanao massacre na ikinasawi ng 58 katao.

Isinugod pa si Reshal sa Maguindanao provincial hospital pero nasawi ito dakong ala 1:00 ng hapon ng Biyernes.

 

 

 

 

 

 

Read more...