CJ Sereno pinag-iinhibit na rin si Justice De Castro sa quo warranto petition

By Jan Escosio April 06, 2018 - 06:10 PM

Inquirer File Photo

Dahil sa pagdududa na magiging patas pa rin ang kapwa mahistrado sa pagtalakay sa quo warranto petition na inihain laban sa kanya, nais na rin ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno na mag-inhibit na rin si Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro.

Sa 30-pahinang mosyon na inihain ni Sereno, ikinatuwiran nito na nagkaroon na ng paghuhusga si De Castro base sa isyu kung tama ang pagkakatalaga sa kaniya bilang punong mahistrado noong 2012.

Ipinaalala pa ng kampo ni Sereno na humarap pa si De Castro sa pagdinig sa Kamara nang matalakay kung kuwalipikado talaga itong pamunuan ang Korte Suprema.

Sa kanilang panibagong mosyon, ibinatay nila ito sa New Code of Judicial Conduct.

Una nang inihirit ni Sereno na magbitiw din sina Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza at Noel Tijam dahil sa pagiging bias.

Katulad ni De Castro tumestigo din sa pagdinig ng House Committee on Justice ang apat na nabanggit na mahistrado.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Maria Lourdes Sereno, quo warranto petition, Radyo Inquirer, teresita de castro, Maria Lourdes Sereno, quo warranto petition, Radyo Inquirer, teresita de castro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.