Wagi ang Batang Gilas kontra sa koponan ng bansang Japan dahilan para makakuha ito ng pwesto sa Fiba U17 Basketball World Cup 2018.
Sa iskor na 72-70 tinalo ng Batangas Gilas ang Japan sa quarterfinals ng Fiba Asia U-16 championships na ginanap sa Foshan, China.
Malaking bentahe ang puntos na binitawan ni Recaredo Christian Calimag sa 2.3 seconds na nalalabi sa 4th quarter.
Muntik pang kapusin ang Batangas Gilas dahil ang top scorer ng Japan na si Chikara Tanaka ay nag-ambag ng 11 puntos sa huling 3-minuto ng laban,
Ang top 4 teams sa Asian qualifiers ay aabante sa World Cup na gaganapin sa Argentina sa Hunyo.
Maliban sa Batang Gilas kasama din sa nakakuha ng pwesto sa semifinals seat ang New Zealand, Australia at kung sinoman ang magwawagi sa laban ng China at Lebanon.