Tatlong kongresista na may kaso sa Sandiganbayan pinayagang sumama sa biyahe ni Pangulong Duterte sa China

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 06, 2018 - 05:37 PM

Inaprubahan ng Sandiganbayan ang mga mosyon nina Representatives Arthur Yap ng Bohol, Rep. Antonio Floirendo Jr. ng Davao del Norte, at Rep. Luis Raymund Villafuerte ng Camarines Sur na payagan silang makasama sa biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China at Hong Kong.

Ang tatlo ay magiging bahagi ng delegasyon ng pangulo sa nasabing biyahe sa susunod na linggo.

Sa pasya ng Sandiganbayan 3rd division pinayagan ang motion to travel ni Yap habang ang 6th division naman ang nag-apruba sa mosyon nina Floirendo at Villafuerte.

Sa kanilang mga urgent motion na inihain sa korte inabisuhan umano sila ng Office of the Presidential Protocol na makakasama sila ng pangulo sa Boao Forum for Asia sa Hainan Province sa China mula April 9 hanggang 10 at sa working visit nito sa Hong Kong sa April 10 hanggang 13.

Si Yap ay nahaharap sa dalawang bilang ng kasong graft hinggil sa umano ay irregular na car loan plans sa board of trustees ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) mula 2008 hanggang 2009.

May kaso din siyang graft, malversation at malversation through falsification of public documents bilang co-accused sa pork barrel fund scam case ni dating Misamis Occidental Representative Marina Clarete.

Samantala si Floirendo naman ay may kaugnayan sa maanomalyang pagpaparenta ng lupain ng Davao Penal Colony sa Tagum Agricultural Development Authority.

Habang si Villafuerte ay nahaharap sa tatlong bilang ng kasong graft kaugnay sa kwestyunableng pagbili ng krudo na nagkakahalaga ng P20 million noong 2010.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Antonio Floirendo Jr., Arthur Yap, Luis Raymund Villafuerte, Radyo Inquirer, sandiganbayan, Antonio Floirendo Jr., Arthur Yap, Luis Raymund Villafuerte, Radyo Inquirer, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.