Dead on the spot si Joseph Parayo na nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, habang sampu pa ang nasugatan.
Sa mga nasugatan na dinala sa East Avenue Medical Center, tatlo ang kritikal ang kondisyon.
Hawak naman ng Quezon City Traffic Sector ang driver ng gas tanker na nakilalang si Roy Uyad.
Ayon kay Uyad, patawid siya sa Commonwealth Avenue nang mawalan ng preno ang sasakyan dahilan para mabangga niya ang mga sasakyan sa harapan.
Nakatakdang sampahan ng kaso si uyad ngayong umaga.
MOST READ
LATEST STORIES