11 sasakyan inararo ng gas tanker, 1 ang patay, 10 sugatan

By Erwin Aguilon October 08, 2015 - 07:15 AM

tandang sora cor commPatay ang isang motorcycle rider matapos araruhin ng isang gas tanker ang labing isang sasakyan sa intersection ng Commonwealth Avenue at Tandang Sora sa Quezon City.

Dead on the spot si Joseph Parayo na nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, habang sampu pa ang nasugatan.

Sa mga nasugatan na dinala sa East Avenue Medical Center, tatlo ang kritikal ang kondisyon.

Hawak naman ng Quezon City Traffic Sector ang driver ng gas tanker na nakilalang si Roy Uyad.

Ayon kay Uyad, patawid siya sa Commonwealth Avenue nang mawalan ng preno ang sasakyan dahilan para mabangga niya ang mga sasakyan sa harapan.

Nakatakdang sampahan ng kaso si uyad ngayong umaga.

TAGS: VehicularAccidentinQuezonCity, VehicularAccidentinQuezonCity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.