Mga kaso kaugnay ng P50M BI bribery scandal nai-raffle na

By Mark Makalalad April 06, 2018 - 02:47 PM

Inquirer Photo | Julie Aurelio

Ang 6th division ng Sandiganbayan ang didinig ng mga kasong isinampa ng Office of the Ombudsman laban kina dating Bureau of Immigration (BI) officials Al Argosino, Michael Robles, Wenceslao Sombero at negosyanteng si Jack Lam.

Ito ay kaugnay sa P50 million bribery scandal na kinasangkutan ng mga opisyal ng BI.

Nabatid na 4th division dapat ang hahawak ng kaso ngunit nag-inhibit ang mahistrado nito na si Associate Justice Alex Quiroz.

Ayon kay Justice Quiroz, kakilala niya ang isa sa mga akusado sa kaso kaya’t kailangan ang inhibition para hindi maakusahan na hindi patas sa paghawak ng kaso.

Matatandaang kinasuhan ng Ombudsman ng plunder, graft, direct bribery at paglabag sa PD 46 sina Argosino, Robles at Sombero.

Damay rin sa kasong paglabag sa PD 46 si Lam dahil sa pagbibigay suhol umano na 50 million para palayain ang higit 1,000 Chinese workers na nahuli sa Pampanga dahil sa paglabag umano sa immigration laws ng bansa.

Samantala, si Associate Justice Sarah Jane Fernandez naman ang mangunguna sa paghawak sa kaso kasama si Associate Justice Karl Miranda at isa pang special member ng 6th division.

 

 

 

 

TAGS: BI bribery scandal, Jack Lam, Radyo Inquirer, BI bribery scandal, Jack Lam, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.