PhilHealth-accredited doctors maari nang mamonitor ang status ng claims para sa professional fees

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 06, 2018 - 02:30 PM

Maari nang mamonitor ng mga health care professionals na accredited ng PhilHealth ang status ng kanilang claims para sa professional feesz.

Sa pamamagitan ng Health Care Professional Portal (HCProf Portal), ang mga duktor, dentista at midwives ay maari nang imonitor ang proseso ng kanilang reimbursement claims para sa kanilang serbisyo sa mga PhilHealth member.

Ayon kay Dr. Celestina Ma. Jude De La Serna, Interim/Officer-in-charge, PhilHealth President at CEO ang pinakabagong serbisyo ng PhilHealth sa online na inisyatiba ng Benefits Committee PhilHealth Board of Directors.

Umaasa naman ang PhilHealth na matutugunan na nito ang mga concern ng mga health care professional hinggil sa status ng kanilang claim.

Sa HCProf Portal service, makikita ang petsa kung kailan inihain ang claim para sa reimbursement, total reimbursement amount at ang status nito.

Kinakailangan magbigay ng health care professionals ng kanilang active na email address sa PhilHealth, PhilHealth Identification Numbers, o accreditation numbers, para maka-acess sa serbisyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: claim status, health care professionals, philhealth, claim status, health care professionals, philhealth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.