Manhunt operation ng QCPD sa store manager na nanaksak ng customer sa isang mall, nagpapatuloy

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Mark Makalalad April 06, 2018 - 01:21 PM

Tiniyak ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) na ginagawa nila ang lahat para mahuli ang store manager na sumaksak at pumatay sa kanyang kustomer kahapon sa isang mall sa North Edsa.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director CSupt. Guillermo Eleazar, patuloy ang manhunt operation sa suspek na si Leo Laab, store manager ng P.C. Home Service na sumaksak kay Geroldo Ramon Lopez.

Paliwanag ng opisyal, may mga hakbang nang ginagawa ang mga pulis para malocate ang kinaroroonan ng suspek.

Nakunan na rin ng salaysay ang dalawang testigo na sina Mark Anthony Riva at Jonathan Valdoza kapwa empleyado ng nasabing sevice center store.

Matatandaang Dahil sa mainit na pagtatalo kaya nauwi sa pananaksak ang insidente.

Ayon sa imbestigador ng kaso na si PO2 Winston Semana, nagtungo sa nasabing tindahan ang biktima para kunin ang kaniyang pinaayos na laptop pero hindi nito dala ang resibo ng kaniyang job order kaya dito na sila nagtalo ng store manager.

Nang uminit pa lalo ang kanilang pagtatalo dito na kumuha ng bladed weapon ang suspek at sinaksak ang biktima.

Nadala pa sa ospital ang biktima pero agad din itong binawian ng buhay.

Narekober ng SOCO or Scene of the Crime Operatives ang kitchen knife na ginamit sa pananaksak.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Geroldo Ramon Lopez, Guillermo Eleazar, Leo Laab, QCPD Manhunt, SM North EDSA, Geroldo Ramon Lopez, Guillermo Eleazar, Leo Laab, QCPD Manhunt, SM North EDSA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.