Ospital sa Turkey, nasunog; mga pasyente, inilikas

AFP Photo

Tinupok ng apoy ang isang ospital sa Istanbul Turkey dahilan para ilikas ang maraming mga pasyente.

Nagsimula ang sunog sa bubong ng ospital na mabilis na kumalat sa gusali.

Agad inilabas ang mga pasyente na ang iba ay naka oxygen masks pa, ang iba ay lulan ng wheel chair at hospital bed.

Gumamit ng elevation lifts ang mga bumbero para maapula ang apoy sa tuktok ng gusali na mayroong ilang palapag.

Wala namang nasugatan sa nasabing sunog dahil mabilis na nailabas ang mga pasyente. Ilan lamang sa kanila ang dumaing ng hirap sa paghinga dahil sa kapal ng usok.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...