Bello wala nang balak pumasok sa pulitika

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 06, 2018 - 10:59 AM

Presidential Photo

Hindi tatakbo sa pagka-senador si Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Bello na bagaman marami ang umuugong na balita hinggil sa pagsabak niya sa presidential race, sinabi nitong wala na siyang kabalakl-balak na tumakbo.

Malaking karangalan aniya na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsasabi sa kaniya na dapat ay tumakbo siyang senador.

Pero ani Bello, mas matanda pa siya kay Pangulong Duterte kaya mahirap na para sa kaniya ang pumasok sa pulitika at mangampanya.

“Sabi ko sa Presidente, ‘Boss, matanda pa ako sa ‘yo. Wala na. I’m too old for the election campaign,” ani Bello.

Dagdag pa ni Bello, maliban sa katandaan, wala din aniya siyang sapat na pera para ipangpondo sa kaniyang kandidatura.

Kamakailan, biniro ni Duterte si Bello at sinabing dapat itong tumakbong senador sa 2019 elections.

Dahil sa birong ito, lalong lumakas ang mga balita na magbibitiw sa DOLE si Bello.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bebot Bello, DOLE, radyo inqurier, Bebot Bello, DOLE, radyo inqurier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.