Mga rice trader sa Luzon magsu-suplay ng murang bigas sa mga NFA outlet sa Metro Manila

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 06, 2018 - 10:11 AM

Radyo Inquirer File Photo

Nangako ang mga rice trader mula sa Luzon kay Pangulong Rodrigo Duterte na sila ay magsu-suplay ng murang halaga ng bigas sa Metro Manila.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol, pawang newly-milled na bigas ang isusuplay sa mga pamilihan sa Metro Manila at ibebenta lang ito ng P39 bawat kilo.

Sa forum na ginanap sa Malakanyang na dinaluhan ni Pangulong Duterte, Piñol at mga rice trade, nangako ang mga negosyante ng bigas na agad silang magpapadeliver ng 100,000 sako ng bigas sa National Food Authority (NFA).

Ang NFA naman ang mamamahagi nito sa mga pamilihan sa halagang P38 kada kilo at ang mga rice outlet ay ibebenta ito sa publiko ng P39 per kilo para may kita silang P50 kada sako.

Sa pagsisimula ng forum nakiusap ang pangulo sa mga rice trader na huwag taasan masyado ang presyo ng isusuplay nilang bigas para hindi naman maapektuhan ang mga mamimili.

Sa nasabing forum, binanggit din ng mga negosyante ng bigas kay Pangulong Duterte ang problema nila sa mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) na nangingikil umano sa kanila partikular sa weighing scale station nila sa Aritao, Nueva Ecija.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: NFA Rice, rice traders, Rodrigo Duterte, NFA Rice, rice traders, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.