Ayon kay Guevarra, ang gawin ang tama ang naging bilin sa kaniya ng pangulo matapos siyang agad na makapanumpa bilang bagong kalihim ng DOJ.
Ani Guevarra, sinabihan siya ng pangulo na gawin lang ang tama sa kaniyang tungkulin bilang bagong pinuno ng DOJ kapalit ng nagbitiw na si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.
Pinasalamatan din ni Guevarra si Pangulong Duterte sa tiwala na ibinigay sa kaniya.
Si Guevarra ay top 2 sa bar exams noong 1985, nagtrabaho siya bilang technical staff ng 1986 Constitutional Commission at nagtrabaho din sa isang kilalang law firm at naging faculty member ng Ateneo School of Law.
Nang siya ay bumalik sa gobeyrno naitalaga siya sa Philippine Truth Commission at ang pinakahuli ay ang pagsisilbi bilang Deputy Executive Secretary for Legal Affairs sa ilalim ng Office of the President.