Kampanyang “EskweLA BAN sa Sigarilyo”, mas palalawakin pa ng DepEd

By Mark Makalalad April 06, 2018 - 09:23 AM

DepEd Photo

Mas palalawakin pa ng Department of Education ang kanilang ‘tobacco control policy’ sa mga paaralan.

Ito’y dahil sa simula ng susunod na school year ay inaasahan ng makikibahagi ang lahat ng mga paaralan sa bansa sa kanilang “EskweLA BAN sa Sigarilyo” campaign.

Sa ilalim nito, bawal nang manigarilyo o magbenta nito sa loob at labas ng paaralan sa loob ng 100 metro.

Pinagbabawalan din nito ang mga paaralan sa pagtanggap ng sponsorship mula sa mga tobacco industry.

Ayon kay DepEd Legal Affairs Usec. Alberto Muyot, ang naturang proyekto ay tatlong taong partnership sa Tobacco-Free Kids Action Fund at una nang ipinatupad sa ilang piling paaralan sa Pasig, Makati, Batangas, Bulacan, Bataan at Pampanga.

Samantala, magsasagawa rin ng mahigpit na monitoring ang DOH, pamimigay ng training manuals, school-based campaign materials para bigyang kaalaman ang mga estudyante sa ipatutupad na programa.

Ang EskweLA BAN sa Sigarilyo ay alinsundo na rin sa DepEd Order No. 48, s. 2016 (DO 48, s. 2016) na naglalaman ng Policy and Guidelines on Comprehensive Tobacco Control.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Department of Education, EskweLa Ban sa Sigarilyo Campaign, public schools, Department of Education, EskweLa Ban sa Sigarilyo Campaign, public schools

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.