Sugatan ang siyam na preso ng Metro Manila District Jail sa Taguig City matapos mauwi sa kaguluhan ang isinagawa nilang noise barrage.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology, isinagawa ang noise barrage dahil sa reklamo ng isang grupo ng mga pasaway na inmate na inilipat ng ibang selda.
Nauwi sa gulo ang pagkilos makaraang wasakin ng mga preso ang kanilang higaan para gamiting pang-ingay.
Nagbarikada din ang mga preso para hindi sila mapasok ng mga gwardya.
Ayon kay Senior Insp. Xavier Solda, tagapagsalita ng BJMP, naghulog sila ng tear gas upang mapatigil ang mga preso.
Inihinto rin muna pansamantala ang dalaw sa bilangguan habang ang mga nasugatang bilanggo ay dinala sa Rizal Medical Center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.