Pag-atake, karahasan, pangingikil, dapat itigil ng NPA kung sinsero sila sa pagbabalik ng peace talks – Año

By Mark Makalalad April 06, 2018 - 08:27 AM

Hinikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) OIC-Secretary Eduardo M. Año ang mga rebeldeng komunista na magpakita ng sinseridad kung gusto talaga nilang umusad ang usaping pangkapayapaan sa pamahalaan.

Ayon kay Ano, dapat na agad na itigil ng kabilang grupo ang karahasan, pangingikil at panununog ng konstruksyon o mga gamit sa sakahan.

Partikular na tinukoy ng opisyal ang mga pag-atake ng mga rebelde noong Mahal na Araw sa Davao City.

Paliwanag pa nya, balewala ang usapang pangkapayapaan kung ang puwersa ng pamahalaan at mga sibilyan ay namamatay, samantalang ang CPP/NPA/NDF ay patuloy sa kriminal nilang aktibidad.

Ayon pa sa dating AFP Chief of Staff “kabilang sa patunay sa sinseridad ng gobyerno ang Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng DILG.”

Ito ang programa kung saan tinutulungan ang mga nagbabalik loob na rebelde at tinutumbasan ng pera ang mga armas na sinusuko nila.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: CPP NPA NDF, DILG, eduardo año, new people's army, peacetalks, CPP NPA NDF, DILG, eduardo año, new people's army, peacetalks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.