Pulis na nahuli sa casino sa Parañaque, isasailalim ng PNP sa lifestyle check
Ipinag-utos ng Internal Affairs Service (IAS) ng pambansang pulisya ang lifestyle check sa isang pulis na nahuling naglalaro ng baccarat sa loob ng isang hotel and casino sa Parañaque City.
Ayon kay PNP spokesman Chief Superintendent John Bulalacao pinapasisiyasat ni IAS inspector General Alfegar Triambulo ang paggasta ng nahuling si Supt. Adrian Antonio.
Iginiit ni Bulalacao na bahagi ito ng pagpapalawig sa mga polisiya ng gobyerno upang malabanan ang korapsyon.
Titingnan ng mga imbestigador ang kanyang statement of assets and liabilities kung ito ba ay angkop sa kanyang natatanggap na sahod.
Ani Bulalacao, ang magiging resulta ng isasagawang imbestigasyon ay gagamiting ebidensya sa pagsasampa ng reklamo laban kay Antonio.
Samantala, tiniyak naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde na aarestuhin ang sinumang pulis o empleyado ng gobyerno na pumupunta sa mga casino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.