Magnitude 3.0 na lindol tumama sa Masbate at Davao Oriental kaninang madaling araw

By Rhommel Balasbas April 06, 2018 - 06:31 AM

Niyanig ng halos magkasunod na pagyanig ang mga lalawigan ng Masbate at Davao Oriental kaninang madaling araw.

Kapwa may lakas na magnitude 3.0, unang naitala ang lindol alas-2:50 sa layong limang kilometro Silangan ng Batuan, Masbate.

May lalim itong 15 kilometro.

Makalipas ang limang minuto o alas 2:55, tumama rin ang pagyanig na may kaparehong lakas sa layong 51 kilometro sa Silangan ng Tarragona, Davao Oriental.

May lalim naman itong 12 kilometro.

Kapwa tectonic ang dahilan ng dalawang pagyanig

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa ari-arian at mga aftershocks.

 

 

 

TAGS: davao oriental, earthquake, Masbate, Phivolcds, Radyo Inquirer, davao oriental, earthquake, Masbate, Phivolcds, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.