P2B calamity fund, ilalaan para sa maaapektuhang Boracay workers

By Rhommel Balasbas April 06, 2018 - 03:56 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Maglalaan ang administrasyong Duterte ng calamity fund na aabot sa P2 bilyong piso para sa mga manggagawa na maaapektuhan ng nakatakdang pagpapasara sa isla ng Boracay mula April 26.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pulong balitaan sa Malacañang.

Ani Roque, ang halagang ito ay batay sa binanggit mismo ng Department of Finance.

Samantala, sinabi rin ni Roque na inaasahan ang pagdedeklara ng pangulo ng state of calamity sa isla.

Gayunman anya, iginigiit ng pangulo na ang perang ilalabas para sa calamity fund ay hindi dapat mapakinabangan ng resort owners kundi para lamang sa mga manggagawa.

Ayon pa kay Roque, nasa 35,000 manggagawa mula sa iba’t ibang establisyimento ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Boracay ngunit hindi naman lahat ay mawawalan ng trabaho.

Ang iba ay kailangan lamang magpalit ng hanapbuhay o trabaho sa ngayon.

Iginiit naman ng kalihim na tutulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga maaapektuhang manggagawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.