VP Robredo hiniling sa PET na sundin ang shading threshold percentage ng COMELEC

By Justinne Punsalang April 06, 2018 - 03:48 AM

Nagsumite ng urgent ex-parte motion ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na sundin nito ang itinakda ng Commission on Election (COMELEC) na threshold percentage sa pag-shade ng balota.

Sa naturang mosyon, sinabi ng mga abogado ni Robredo na dapat sundin ng PET ang 25% threshold na itinakda ng COMELEC at hindi ang 50% threshold na itinakda naman ng PET noong 2010.

Nakasaad sa mosyon na kung susundin ang 50% threshold ay magkakaroon ng ‘systematic decrease’ ang mga boto na natanggap ni Robredo.

Ngunit para sa kampo ni dating senador Bongbong Marcos, dapat sundin ang panuntunan ng PET.

Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Vic Rodriguez, ang resolusyon ng COMELEC ay tungkol sa mismong eleksyon at sa ngayon ay hindi na iyon ang concern ng kanilang kampo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.