‘Team Bigas’ ni Pangulong Duterte ‘pinapapalo’ ni Sen. Recto

By Jan Escosio April 06, 2018 - 02:45 AM

Nakikita na ni Senator Ralph Recto ang pangangailangan para disiplinahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ‘team bigas’ dahil sa kinahaharap na malaking problema sa supply ng NFA rice.

Pinansin ni Recto na tila kanya-kanyang diskarte ang mga opisyal at magkakaiba din ang kanilang mga pahayag.

Sinabi nito na mapanganib kung iba-ibang pahayag ang naririnig ng publiko ukol sa isyu ng bigas, lalo na sa usapin ng kakulangan ng suplay ng pambansang butil.

Aniya bumili lang ng karagdagang tig-10 kilong bigas ang bawat pamilya ay may malaking epekto na ito sa supply.

Giit pa ni Recto maaring napapagtiisan pa ng ating mga kababayan ang pumila sa MRT at passport, ngunit maaring hindi na nila kayanin ang pumila pa para sa pangunahing pagkain ng masa.

Kaya’t aniya dapat regular na pinupulong ni Pangulong Duterte ang Big Four sa kanyang rice policy, sila ang mga kalihim ng Deparments of Agriculture at Finance, ang cabinet secretary na namumuno sa NFA Council at ang NFA administrator, para maging malinaw sa lahat ang sitwasyon ng suplay ng bigas sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.