Mga Pinoy sa North Korea, todo suporta sa PH Azkals
Kahit sa North Korea may mga Pilipino pa ring nagpakita ng todong suporta sa koponan ng Philippine Azkals.
Makakalaban ng Azkals ang grupo ng North Korea sa pagpapatuloy ng kanilang pagsisikap na makapasok sa 2018 FIFA World Cup qualifiers ngayong Huwebes.
Gaganapin ang laro sa Kim-Il-Sung Stadium sa Pyongyang, dakong alas 3:30 ng hapon.
Sa kanilang pagtungo sa naturang bansa, sinalubong sila ng mga OFW na sina Carlos Miranda at Willie Quinton na nagbayad ng 50 euros bawat tiket para mapanood ang naturang laban.
Si Quinto ay nagtatrabaho sa North Korea bilang cigarette machine technician sa isang Singaporean company mula pa noong 1993 samantalang si Miranda ay 12 taon nang nagtatrabaho sa naturang bansa.
Masaya aniya silang dalawa na mapapanood ang naturang laban kasama ang tatlo pang kapwa Pilipinong OFW.
Giit ng mga Pinoy, kahit iilan lamang sila na na manonood ng laban, kanilang ipaparamdam sa koponan ang todong suporta ngayong araw na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.