Muling pagbabalik ng pamahalaan sa peace talks sa mga rebelde ikinatuwa ng mga taga-oposisyon sa Kamara

By Erwin Aguilon April 06, 2018 - 02:32 AM

Ikinalugod ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang hakbang na ito ng pangulo na muling makipag usap sa CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Baguilat dapat nang iwasan ang patayan ang kapwa Filipino dahil sigurado anya siya na lahat ng nasa frontline ng pakikipaggiyera ay sawa na malagay sa delikado ang kanilang buhay kung saan sahuli ay wala naman ang mga ito o kanilang pamilya na makukuha.

Sinabi nito na dapat lamang ay bumalik sa negotiating table ang dalawang panig na seryoso at may good faith upang makamit ang kapayapaan.

Dapat din anyang maging aral na sa bawat panig ang nakalipas na mga kabiguan at mag-isip ng confidence building initiatives na ipapasa sa Kongreso upang ma-address ang ugat ang armadong pag-aalsa.

Samantala, pinaalaahanan naman Akbayan Rep. Tom Villarin ang mga negosyador ng bawat panig na huwag pairalin ang mga pansariling interes.

Dapat anyang isipin ng government peace panel at CPP-NPA-NDF na buhay ng mga tao ang nakasalalay sa peace talks at hindi ang mga ego ng mga peace negotiators.

Iginiit ni Villarin na kung ang bagong initiative ay pinaglalaruan lamang ang taumbayan ay hindi ito katanggap-tanggap na hakbang ng gobyerno at ng NPA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.