Nawawalang yate sa kasagsagan ng bagyong ‘Kabayan’ hindi pa nakikita

 

Patuloy ang paghahanap ng Philippine Coast Guard sa sakay ng isang yate na hanggang ngayon ay nawawala pa rin sa West Philippines Sea.

Ayon sa Narvacan station ng PCG, target ng kanilang paghahanap ang ‘Europa’ na kinalululanan ng limang pasahero na lumayag mula HongKong at patungo sana ng Ilocos Sur.

Sakay ng naturang yate ang dalawang Briton, isang Canadian, isang Amerikano at isang Pilipino.

Ayon sa PCG, may posibilidad na tumaob ang naturang yate sa kasagsagan ng bagyong ‘Kabayan’ na tumama sa bansa noong nakalipas na October 2.

Umalis ng Hong Kong ang ‘Europa’ noong October 2 dakong alas 11:00 ng umaga.

Dapat sana ay dumating na ito ng Vigan noong October 4, ngunit hindi pa rin ito dumadaong sa naturang lugarhanggang sa kasalukuyan.

Read more...