Nagtakda ang Korte Suprema ng mga kundisyon na dapat sundin ni Chief JusticeMaria Lourdes Sereno kundi ay makakansela ang oral argument sa quo warranto petition laban sa kanya.
Si Sereno ang humiling na magkaroon ng oral argument ng walang prejudice sa kanyang objections sa hurisdiksyon ng Supreme Court.
Naninindigan si Sereno na walang hurisdiksyon ang korte sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida dahil siya ay isang impeachable official.
Pero sa Notice of Resolution, sinabi ng Korte Suprema na dapat ay kilalanin ni Sereno na may hurisdiksyon ang korte para aksyunan ang anumang hiling nito.
Bukod sa pag-obliga na personal itong dumalo sa April 10 oral argument, inobliga rin ng korte ang Punong Mahistrado na tumestigo under oath at i-affirm at i-verify under oath ang mga alegasyon nito sa komento na inihain ng kanyang mga abogado sa quo warranto petition.
“Her failure or refusal to appear shall result in the cancellation of the scheduled oral argument,” nakasaad sa Notice of Resolution na pirmado ni Atty. Edgar O. Aricheta, Clerk of Court en banc.
Itinakda ang oral argument sa April 10 alas 2:00 ng hapon sa Baguio City sa summer session ng Supreme Court.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.