Albayalde at Galvez manunumpa bilang bagong PNP Chief at AFP Chief of Staff sa April 18

By Chona Yu April 05, 2018 - 08:15 PM

Inanunsyo ng Malakanyang na sabay na manunumpa sa April 18 ang mga bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippine (AFP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, manunumpa sa nasabing petsa si outgoing NCRPO Chief Oscar Albayalde bilang bagong PNP Chief at si Western Mindanao Command Lt. Gen. Carlito Galvez.

Papalitan ni Albayalde si outgoing PNP Chief Ronald dela Rosa na hanggang April 14 na lang ang paninilbihan bilang pinuno ng Pambansang Pulisya at una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatalaga niya sa Bureau of Corrections.

Si Galvez naman ang papalit kay AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero na magreretiro na.

Si Galvez ang overall commander sa Marawi siege habang si Gerrero naman ay itatalaga bilang Marina Chief.

TAGS: Carlito Galvez, Oscar Albayalde, Rey Leonardo Guerrero, Carlito Galvez, Oscar Albayalde, Rey Leonardo Guerrero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.