Guevarra, nanumpa na bilang bagong DOJ Secretary

Malacañang Photo

Nanumpa na kay Pangulong Rodrigo Duterte si bagong Justice Secretary Menardo Guevarra.

Base sa mga litrato na ipinalabas ng Malakanyang, makikita na nilagdaan na rin ng Pangulo ang appointment paper ni Guevarra.

Papalitan ni Guevarra ang nagbitiw na si outgoing Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kaya nagtalaga kaagad ang Pangulo ng bagong kalihim ng Department of Justice (DOJ) ay dahil pinaka sensitibo itong departamento dahil katarungan ang pinag-uusapan.

Dahil sa naka-recess aniya ang Kongreso ngayon, maituturting na ad interim appointment ang kay Guevarra at maituturing ito na full pledged Secretary.

Read more...