Fil-Am businessman, convicted sa kasong federal bribery at tax evasion
Hinatulang guilty ang Filipino-American businessman na si Rodolfo ‘Rudy’ Quiambao ng Queens, New York para sa mga kaso nitong federal bribery at tax evasion.
Sinentensiyahan si Quiambao ng apat na tao ng pagkakakulong, ito ay kasunog ng isinagawang multi-agency investigation kabilang ang U.S. Immigration at Customs Enforcement’s (ICE) Homeland Security Investigations (HSI).
Pinagmumulta din si Quiambao ng $125,000 at ng mahigit na $4.5 million sa restitution sa IRS.
Base sa reklamong nakahain sa U.S. District Court sa Brooklyn, nakasaad na si Quiambao na siyang may-ari ng Rudell & Associates, na isang electrical-design company ay binayaran nito ang tatlong managers ng Con Edison ng mahigit na $6.9 million na bribe at kickback sa nakaraang dekada.
Ayon kay Kelly Currie, acting U.S. Attorney for the Eastern District of New York sa isang pahayag ay sinasabing lumabag sa batas pra alang masigurong makakatanggap ito ng mga kontrata at ng nasa milyun-milyong dolyar.
Dagdag pa niya, dahil dito ang mga residente sa New York na umaasa sa Con Edison para sa kuryente, gas at steama ng siyang sumasalo sa gastos.
Base sa Fil-Am, na isang local east coast newspaper doon, nakasaad na si Quiambao’s ay isang pangunahing supporter ng Anti-Marcos opposition noong 1980’s at maging ni dating Pangulo Corazon Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.