Resignation ni Sec. Aguirre, tinanggap na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu April 05, 2018 - 04:47 PM

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Sa talumpati ng Pangulo ngayong hapon sa awarding ng outstanding Gawad Saka 2017 at Malinis at Masaganang Karagatan (MMK) 2017 sa Rizal Hall sa Malakanyang, sinabi nito na naghahanap na siya ngayon ng kapalit ni Aguirre.

“I have accepted the resignation of Vit Aguirre and Im looking for his replacement,” pahayag ng Pangulo.

Kagabi lamang, magkasama sina Pangulong Duterte at Aguirre sa 24th Cabinet meeting sa Palasyo.

Base sa mga inilabas na litrato ng Malakanyang, nakangiti pa si Aguirre at inakbayan pa ng Pangulo.

Gayunman, wala nang ibinigay na detalye ang Pangulo ukol sa pagbibitiw ni Aguirre.

Matatandaang una nang sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na bagama’t kuntento ang Pangulo sa trabaho ni Aguirre, nadismaya naman ito sa pagbasura ng National Prosecution Service sa kasong illegal drugs laban sa mga drug lord na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pa.

TAGS: Rodrigo Duterte, Vitaliano Aguirre, Rodrigo Duterte, Vitaliano Aguirre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.