Joma Sison, pwede nang umuwi ng Pilipinas nang hindi aarestuhin ng mga otoridad

By Chona Yu April 05, 2018 - 03:32 PM

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na maari nang umuwi sa bansa si Communist Party of the Philippines Founding chaimarn Jose Maria Sison nang hindi aarestuhin ng mga otoridad.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay kapag nagsimula na ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines.

“That’s a possibility, pero sa ngayon po ‘antayin muna natin kung ano magiging kasagutan ng CPP-NPA,” pahayag ni Roque.

Taong 1987 pa nasa The Netherlands si Sison matapos makakuha ng political asylum.

Kasabay nito, inatasan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Congressman Hernani Braganza na miyembro ng GRP panel na makipag-usap sa rebeldeng grupo.

Ayon kay Roque, hindi pa babawiin ng pamahalaan ang petisyon sa korte na ideklarang terorirtang grupo ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

Saka lang aniya babawiin ang petisyon kapag naselyuhan na ang peace talks.

Pero habang nasa negosasyon pa aniya ang peace talks, patuloy pang iaapela ng pamahalaan na ideklarang terorista ang CPP NPA.

Matatandaang binawi ng pangulo ang alok na peace talks noong Nobyembre 2017 dahil sa patuloy na pag-atake ng rebeldeng grupo sa tropa ng pamahalaan.

Non-negotiable aniya ang kondisyon na inilatag ng Pangulo sa rebeldeng grupo bago muling umusad ang peace talks.

Una ay ang pagtigil ng pangongolekta ng revolutionary tax, pagtigil sa pag atake sa tropa ng pamahalaan at itigil ang paggigiit na magkaroon ng coalition government.

TAGS: CPP, Joma Sison, Malakanyang, NPA, CPP, Joma Sison, Malakanyang, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.