Kauna-unahang hijabi Muslim na sumali sa Tawag ng Tanghalan, binatikos ng ilang netizens

Tila hindi ikinatuwa ng ilang miyembro ng Muslim community ang pagsabak ng kauna-unahang hijabi Muslim sa Tawag ng Tanghalan sa Showtime.

Ilang netizens sa Facebook ang kinundena ang pagsabak ng Mindanao contender na si Neihanne Guinal sa naturang singing competition.

Kumakalat ngayon sa social media ang mga litrato ni Neihanne nang walang hijab o walang suot na belo.

May ilang tumawag sa hijabi contestant na “mapagpanggap.”

Sa panayam sa kanya sa Showtime, aminado naman si Neihanne na hindi siya laging nagsusuot ng hijab, liban na lamang sa malalaking okasyon.

Aniya, napagdesisyunan niyang magsuot ng hijab sa kanyang pagsabak sa Tawag ng Tanghalan para i-represent ang mga Muslim.

Sa kabila nito, ipinahayag ng Muslim netizens na hindi sila proud sa ginawa ni Neihanne dahil sa relihiyong Islam, ipinagbabawal ang musika.

Mayroon din namang mga nagpaalala na huwag itong idaan sa pang-iinsulto at sa halip, gabayan ang mga kulang sa kaalaman sa Islam.

Ang isang Facebook video post ng interview ni Neihanne sa Showtime ay umani na ng 1,300 reactions kung saan pinakamarami ang nag-like sa 920 at nagalit sa 254.

Bigo naman si Neihanne na makausad sa kompetisyon matapos talunin ng defending champion na si Adelene Rabulan noong Martes.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...