Pag-apruba sa Lifetime Cellphone Number Bill dapat gawing prayoridad ng kamara

By Erwin Aguilon April 05, 2018 - 11:36 AM

Pinamamadali na ng isang kongresista sa kamara ang pag-apruba ng panukalang Lifetime Cellphone Number Bill.

Ayon kay Quezon City Rep. Alfred Vargas, dapat isama ng liderato ng kamara sa pagbabalik ng kanilang sesyon sa Mayo ang nasabing panukala.

Sinabi ni Vargas, isa sa may-akda ng panukala na malaking tulong ito upang masawata ang mga sindikato na ginagamit ang cellphone sa kanilang mga iligal na aktibidad.

Isa rin anya sa nais ng panukalang batas na ayusin ang serbisyo ng mga telecommunication companies upang magkaroon ng mas magandang opsyon ang mga subscribers.

Sa ilalim ng panukala, maaring i-retain ng susbscribers ang kanilang numero kahit na magpalit ito ng service provider o kaya naman ay lumipat sa postpaid patungong prepaid o vice versa.

Paliwanag nito, maraming mga subscribers ang nagtitiyaga sa palpak a serbisyo ng ng mga telcos para lamang hindi makapagpalit ng number.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Lifetime Cellphone Number Bill, Radyo Inquirer, Lifetime Cellphone Number Bill, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.