Mga establisyimento sa Boracay na wala namang paglabag hindi muna dapat ipasara ayon kay Sen. JV Ejercito

By Jan Escosio April 05, 2018 - 11:23 AM

Sinabi ni Senator JV Ejercito na dapat nang agad ipasara ang mga negosyo sa Boracay na nakitaan ng mga paglabag.

Samantalang ang mga sumusunod naman sa mga batas pangkalikasan ay hayaan na munang mag-operate hanggang sa simula ng ‘closed season.’

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na isara ang isla ng anim na buwan mula sa darating na Abril 26.

Sa pagpasara sa lahat ng mga establisyimento sa isla, ikinatuwiran ni Tourism Sec. Wanda Teo – Tulfo na ayaw lang nilang mapagbintangan na may kinikilingan kaya’t isasara ang ang lahat ng negosyo maging ang mga compliant sa environmental laws.

Iginiit naman ni Ejercito na kailangan na magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan ang mga mawawalan ng pinagkakakitaan dahil sa pagsasara ng isla ng anim na buwan.

Ipinagdiinan din nito na ang kanyang panukala ay isara ang Boracay ng ‘off season’ o simula sa Hunyo para hindi gaanong maapektuhan ang nagawa ng mga advanced bookings at reservations.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Boracay Island, environmental laws, Radyo Inquirer, Boracay Island, environmental laws, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.