PSA nakapagtala ng mabilis na pagtaas ng inflation rate sa nagdaang buwan ng Marso

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 05, 2018 - 10:49 AM

Naging mabilis ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa bansa na umabot sa 4.3 percent sa buwan ng Marso – higit na mas mataas kumpara sa target ng gobyerno na 2 hanggang 4 percent lamang para sa taong 2018.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority ang pagtaas ng presyo sa ng mga basic goods noong nakaraang buwan ay mas mabilis kumpara sa 3.1 percent na naitala noong nakaraang taon at 3.8 percent na naitala noong Pebrero.

Sa ulat ng PSA, kabilang sa naging mabilis ang pagtaas ay ang presyo ng alcoholic beverages at tobacco products.

Sa datos, ang presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages ay tumaas ng 5.9 percent;

Ang halaga ng restaurant at miscellaneous goods and services ay tumaas ng 3 percent;

Ang housing, water, electricity, gas at iba pang produktong petrolyo ay tumaas ng 2.9;

Ang mga furnishing, household equipment, mga gamit para sa routine maintenance ng bahay ay tumaas ng 2.7 percent;

Ang mga may kaugnayan sa kalusugan ay tumaas ng 2.4 percent;

At komunikasyon ay tumaas ng 0.3 percent.

Ang tumaas na bayarin sa buwis ang naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ayon sa Department of Finance (DOF).

Sa mga alak at sigarilyo halimbawa, sinabi ng DOF na mayroong pinairal na “sin tax”.

Maaring nakaambag din umano ang TRAIN law dahil sa ilalim ng nasabing batas, ay tumaas ang presyo ng sigarilyo at alak.

 

 

 

 

 

TAGS: inflation rate, prices of basic commodities, Radyo Inquirer, inflation rate, prices of basic commodities, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.