Cabinet meeting sumentro sa Boracay Island at hindi pagsibak kay Aguirre

By Chona Yu April 05, 2018 - 09:35 AM

Taliwas sa inaasahan, sumentro sa usapin sa Boracay Island ang cabinet meeting kagabi na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi ang pagsibak kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bukod sa Boracay, natalakay din sa cabinet meeting ang isyu sa Pasig River Ferry, peace talks, pagpapaganda sa oral health program at iba pa.

Mag-aalas 12:00 na ng hatanggabi nang matapos ang cabinet meeting.

Kita rin sa mga larawan na inilabas ng palasyo na maayos ang naging takbo ng cabinet meeting at magkatabi sina Aguirre at Pangulong Duterte sa mga larawan.

Samantala, ngayong araw, pangungunahan ni Pangulong Duterte ang Awarding of Outstanding Farmers, Fisherfolks, and Coastal Communities sa Malakanyang.

Mamayang gabi, dadalo din ang pangulo sa concert dinner na inihandog para sa kaniya sa Sofitel Harbor Gadern Tent sa Pasay City na may titulong “Salu-Salo Kasama ang ating Mahal na Pangulo”.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: aguirre, Boracay Island, DOJ, Rodrigo Duterte, aguirre, Boracay Island, DOJ, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.