River Ferry Convergence Program, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte

By Chona Yu April 05, 2018 - 09:32 AM

Inquirer Photo | Ben De Vera

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Executive Order para sa River Ferry Convergence Program.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque kasama sa pagpapalakas ng Pasig River Ferry ay ang pagdadagdag ng speed, pagsasaayos sa infrastructure katulad ng pagtatayo ng mga dagdag na terminal at paglalagay ng recreation and leisure gaya ng liwasan sa magkabilang pampang ng ilog, pagsusulong ng environmental protection at pagpapaganda ng Pasig River.

Ayon kay Roque ang Department of Budget and Management (DBM) ang mangunguna sa proyekto katuwang ang iba’t-ibang sangay ng pamahalaan.

Ang budget para sa Pasig River Ferry ay magmumula sa higit P1 trillion na inilaan sa 2018 budget para sa infrastructure program ng administrasyon.

Bago ang cabinet meeting kahapon (Miyerkules, April 4) ay binaybay muna ni Budget Secretary Benjamin Diokno at ilang miyembro ng technical working group ang Pasig River para sa isang occular inspection.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Pasig River Ferry, Radyo Inquirer, Pasig River Ferry, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.