Ito ay ayon sa Crime Index 2018 na inilabas ng “Numbeo” na isang crowd-sourced global database.
Sa nasabing datos sa mga bansa sa Asya, nasa pang 8 pwesto ang Quezon City na mayroong crime index na 60.30.
Habang nasa pang-12 pwesto naman ang Maynila, na mayroong crime index na 59.17.
Nanguna sa pwesto o mayroong pinakamataas na crime index sa Asya ang Dhaka, Bangladesh na may puntos na 70.57.
At nasa pangalawang pwesto ang Kuala Lumpur, Malaysia na may crime index na 70.57.
At ang iba pang mga lungsod na napasama sa top 20 ay mula sa mga bansang India, Syria, Maldives, Pakistam Mongolia, Vietnam, Cambodia, Thailand, Indonesia, at China.