5 sugatan sa banggaan ng van at jeep sa Maynila

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 05, 2018 - 07:01 AM

Lima ang nasugatan sa banggaan ng isang van at isang pampasaherong jeep sa Maynila ngayong umaga.

Naganap ang aksidente pasado alas 5:00 ng umaga sa kahabaan ng España Boulevard sa Sampaloc Maynila.

Basag ang windshield ng kulang puting van na may plate number na ABA 3150.

Sa lakas ng impact ng banggaan, sumampa pa ang pampasaherong jeep na biyaheng Cubao – Quiapo – Remedios sa plantbox sa lugar.

Kabilang sa mga nagtamo ng sugat ang driver ng van, driver ng jeep, at tatlong pasahero ng jeep.

Naging pahirapan pa ang paglalabas sa jeep ng driver dahil hindi nito maigalaw ang kaniyang binti at dumaing din ng hirap sa paghinga.

 

 

 

 

 

TAGS: Jeep, Radyo Inquirer, Sampaloc Manila, van, Jeep, Radyo Inquirer, Sampaloc Manila, van

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.