12 drug suspects arestado sa Malabon; P1M halaga ng shabu ang nasabat

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 05, 2018 - 06:23 AM

Photo Credit: Peter Lacang

Arestado ang labingdalawang drug suspects sa Malabon kabilang ang isang itinuturing na lider ng drug group sa magkakasunod na anti-illegal drug operations ng mga tauhan ng Northern Police District.

Ayon kay Northern Police District Director Police Chief Superintendent Amando Empiso, unang naaresto sa ikinasang buy bust operation ng District Special Operation Unit si Marvin Oraño alyas “Mabong” 32 taong gulang.

Isang poseur buyer ang nakipagtransaksyon kay Mabong at nakabili ng P500 halaga ng shabu sa suspek. Nang ito ay madakip, nakuha naman sa kaniya ang apat apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Matapos mahuli si Mabong ay doon na niya itinuro ang mga sinusuplayan niya ng droga.

Sa ikinasang follow up operation ng mga otoridad, naaresto ang labingisa pang mga drug personalities.

Sa kabuuan ng ginawang operasyon umabot sa 84 na gramo ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga otoridad na may street value na mahigit 1 milyong piso.

May nakuha ding dalawang granada, isang uzi machine pistol at mga bala.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Illegal Drugs, navotas, northern police district, Radyo Inquirer, Illegal Drugs, navotas, northern police district, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.