Bagong AFP chief of staff papangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo – Sec. Lorenzana

By Rhommel Balasbas April 05, 2018 - 06:18 AM

Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaaring pangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo ang bagong chief of staff ng Sandatahang Lakas.

Ang itatalagang bagong opisyal ng AFP ay papalit kay outgoing Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero.

Sa isang panayam, sinabi ni Lorenzana na bagaman pinalawig ang termino ni Guerrero hanggang April 24 nitong taon ay magaganap na ang ‘change of command’ sa April 18.

Ito anya ay bunsod ng hectic na schedule ng pangulo sa linggo kung kailan matatapos ang termino ni Guerrero.

Inihayag naman ni Lorenzana na wala pa ring pagbabago sa listahan ng mga napipisil na opisyal para sa pwesto.

Kabilang pa rin anya dito sina Eastern Mindanao Command chief Lt. Gen. Benjamin Madrigal, Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. at Army chief Lt. Gen. Roland Joselito D. Bautista.

 

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, armed forces of the philippines, Radyo Inquirer, AFP, armed forces of the philippines, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.