Sa huling abisong inilabas ng PAGASA ay sinabi ng ahensya na magkakaroon ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang mga kalat-kalat na pag-ulan ang buong bansa.
Samantala, asahan naman ang katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay malakas na bugso ng hangin mula sa hilagangsilangan ang Northern Luzon, silangang bahagi ng Central at Southern Luzon, Visayas at Mindanao. Ibig sabigin ay magiging katamtaman hanggang sa maalon ang katubigan na nasa mga nabanggit na lugar.
Para naman sa nalalabing bahagi ng bansa, mahina hanggang sa katamtamang hangin naman ang mararamdaman, na magdudulot ng maliit hanggang sa katamtamang mga pag-alon.
Maglalaro naman sa 24.3 hanggang 31.3 degrees celsius ang temperatura sa buong bansa.