Pangulong Duterte itinalaga si Executive Secretary Medialdea bilang OIC habang nasa foreign trips sa Abril

By Inquirer.net, Rhommel Balasbas April 05, 2018 - 04:12 AM

File Photo | Presidential Photos

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang tagapangalaga ng bansa habang siya ay nasa labas ng bansa sa Abril.

Sa kanyang Special Order No. 310 na nilagdaan noong Martes, April 3, itinalagang Officer-In-Charge (OIC) si Medialdea upang pangasiwaan ang operasyon ng tanggapan ng Pangulo at pamunuan ang buong Ehekutibong sangay ng gobyerno.

“To ensure continuity of government service, it is necessary to designate an Officer-In-Charge (OIC) to take care of the day-to-day operations in the Office of the President and oversee the general administration of the Executive Department,” ayon sa kautusan.

Nakatakdang dumalo si Duterte sa Boao Fourm sa Hainan, China sa April 9 hanggang April 10.

Ang naturang forum ay taunang isinasagawa at dinadaluhan ng mga state at business leaders.

Ito na ang ikatlong beses na tutungo ang pangulo sa China simula nang maupo sa pwesto noong June 2016.

Matapos ang pagdalo sa Boao Forum ay didiretso si Duterte sa Hong Kong upang makadaupang palad ang Filipino Community sa naturang lugar. Maglalagi ang pangulo sa Hong Kong mula April 11 hanggang 12.

Inaasahan ding dadalo si Duterte sa 32nd Leaders Summit of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Singapore sa April 25 hanggang 28.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.