Kabilang anya sa mga nais maisakatuparan ng pangulo ay dapat ang OFWs na ang hahawak ng kanilang passports; makakuha sila ng hindi bababa sa pitong oras na tulog; magkaroon ng isang araw na day off; payagang makapagluto ng sarili nilang pagkain at hindi saktan ng kanilang mga employers.
Sa isang message na ipinadala sa mga reporters, sinabi ni Roque na ayon kay Labor Secretary Silvestro Bello III ay kasalukuyan nang sinisikap na mailagay sa employment contract ang mga kondisyon na nais ng pangulo.
Samantala, iginiit din ng kalihim na wala pa namang umanong pinal na kasunduan ang nagaganap ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Matatandaang inimbitahan ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh si Duterte na personal na tingnan ang sitwasyon ng mga OFWs sa naturang bansa.
Inihayag din ni Roque na mananatili ang deployment ban para sa mga Filipino na nagnanais magtrabaho sa Kuwait.