Pangulong Duterte naglatag ng mga kondisyon bago pumunta ng Kuwait – Roque

By Rhommel Balasbas April 05, 2018 - 04:09 AM

Posibleng bumisita sa Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling maibigay ang kanyang mga kondisyon na layong masiguro ang proteksyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa naturang bansa ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kabilang anya sa mga nais maisakatuparan ng pangulo ay dapat ang OFWs na ang hahawak ng kanilang passports; makakuha sila ng hindi bababa sa pitong oras na tulog; magkaroon ng isang araw na day off; payagang makapagluto ng sarili nilang pagkain at hindi saktan ng kanilang mga employers.

Sa isang message na ipinadala sa mga reporters, sinabi ni Roque na ayon kay Labor Secretary Silvestro Bello III ay kasalukuyan nang sinisikap na mailagay sa employment contract ang mga kondisyon na nais ng pangulo.

Samantala, iginiit din ng kalihim na wala pa namang umanong pinal na kasunduan ang nagaganap ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Matatandaang inimbitahan ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh si Duterte na personal na tingnan ang sitwasyon ng mga OFWs sa naturang bansa.

Inihayag din ni Roque na mananatili ang deployment ban para sa mga Filipino na nagnanais magtrabaho sa Kuwait.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.