2 drug suspek arestado sa Taguig at Marikina

By Justinne Punsalang April 05, 2018 - 03:03 AM

Timbog sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad ang isang tulak ng droga sa Barangay Tumana sa lungsod ng Marikina.

Nakilala ang suspek na si Nicko Balane na nahulihan ng apat na mililiit na plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Samantala, nasakote naman sa Barangay Bagumbayan sa Taguig ang itinuturing na ika-6 na most wanted person ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Nakilala ang suspek na si Joey Monteverde alyas Pusa at kilala rin sa tawag na Oliver Vargas na mayroong kasong carnapping.

Nakumpiska mula sa suspek ang walong plastic sachet ng shabu at isang kalibre 38 baril.

Mahaharap ang dalawang arestadong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Habang kakasuhan rin ng illegal possession of firearms si Monteverde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.