Ika-5 most wanted sa Central Visayas arestado sa Cavite

By Justinne Punsalang April 05, 2018 - 02:59 AM

Arestado sa pamamagitan ng warrant of arrest ang lalaking itinuturing bilang ika-5 most wanted drug personality ng Central Visayas sa Barangay Anuling Lejos 2, sa bayan ng Mendez, Cavite.

Nakilala ang suspek na si Erico Digal na nakatakas nang magsagawa ng raid ang mga elemento ng Bohol at Cebu Police sa kanyang bahay sa Carmen, Bohol.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, konektado umano si Digal sa operasyon ng mga drug lord sa Central Visayas, partikular na ang mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina alyas Jaguar and France Sabalones.

Ayon kay Digal, bagaman aminado siya na nagtutulak siya ng droga sa Central Visayas ay tumigil naman na siya matapos pumasok sa rehab.

Ayon kay Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group – Quezon City Police District (PNP-CIDG-QCPD) chief, Chief Inspector Garman Manabat, halos apat na buwang nagtago sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan si Digal.

Patuloy namang tutugisin ng mga otoridad ang iba pang gma drug suspek na mayroong pending warrant of arrest.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.